|
SIDC at CLSU, Lumagda sa Kasunduan Pinangunahan nin Dr. Angelito B. Bagui, SIDC Chairman at Dr. Ruben C. Sevillaja CLSU President ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement sa pagitan ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative at ng Central Luzon State University. Tampok sa Memorandum of Understanding na nilagdaan ay ang pagtutulungan ng SIDC ay CLSU para sa patuloy na pag-aaral at pananaliksik para sa Bio-N microbial fertilizer at maging ang pagbuo ng protocol sa tamang paggamit nito para sa kapakinabangan ng mga magsasaka. Tampok din dito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kwalipikadong mag-aaral ng CLSU na makasali sa Agriventure Program sa Canada yamang ang SIDC ang accredited na katuwang ng International Agricultural Exchange Association (IAEA) Canada dito sa Pilipinas. Kabilang din sa unawaan ang handang pagtanggap ng SIDC ng mga on-the-job training sa mga mag-aaral ng CLSU. Inaasahan naman buhat sa unibersidad ang pag-aaral kung papaano mapapakinabangan ng husto ang dumi ng hayop sa pamamagitan ng pag-alam ng mga gamit ng methane gas at organikong pataba para sa halaman. Ang pagkakaroon naman ng Memorandum of Agreement ay para sa detalyadong programa para sa Agriventure Program. Nilalaman ng kasunduan ang mga obligasyon ng magkabilang panig para sa programang ito. |