header

soro

SIDC-La Salle Tie Up, Pinagtibay sa MOU Signing

dlsuNagkaroon ng pagpirma sa isang Memorandum of Understanding ang mga kinatawan ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) at De La Salle University (DLSU) noong September 7, 2010 sa Room 305, Yuchengco Building ng unibersidad sa Maynila. Ito'y pinangunahan nina Dr. Angelito B. Bagui, SIDC Chairman of the Board at Br. Narciso Erguiza-FSC, ang bagong President at Chancellor ng DLSU.

Bilang tugon ito sa pangako ni Br. Armin Luistro, President at Chancellor ng De La Salle University-Manila at ngayo'y DepEd Secretary nang magsalita siya sa nakaraang 41st GAM ng koop. Unang binalangkas ang SIDC - La Salle tie up sa isang exploratory talk na dinaluhan ng magkabilang panig. Ito ay ginanap sa DLSU, Manila noon Hunyo 29 sa pamamagitan ni Dr. Arnulfo P. Azcarraga, Associate Vice Chancellor For External Relations na siyang naging tagapag-ugnay. Binigyan niya ng impormasyon ang mga taga SIDC tungkol sa La Salle pati na rin ang mga voluntary projects na isinasagawa nila sa mga komunidad.

Sa bahagi naman ng SIDC, inilahad ni GM Rico Geron ang ilang mga suliranin ng SIDC patungkol sa environmental management particular ang wastong pagtatapon ng dumi ng hayop na nagmumula sa piggery business ng mga kasapi ng koop. Ipinaabot din ni GM Geron ang pangangailangan sa mga kasapi ng pasilidad upang matugunan nila ang requirements ng SIDC sa proyekto nitong paiwi o contract growing. Maging si Dr. David King, SIDC Canadian Volunteer ay nagbahagi patungkol sa IAEA Agreventure Exchange Program ng kooperatiba.

Ipanaabot din ni BOD Chairman Dr. Angelito Bagui ang paanyaya ng SIDC kay Dr. Azcarraga upang siya naman ang makabisita sa SIDC para pag-usapan ang ibayo pang ugnayan. Naganap ito noong Agosto 5, 2010 kung saan dumalaw sa SIDC  si Dr. Azcarraga kasam si G. Sherwin Ona, Director ng Center for ICT for Development ng DLSU. Napagkasunduan sa pagpupulong na ginanap kasama ang Executive Committee at ilang MIS staff na magiging prayoridad ang Information Technology at Waste Management sa pagtutulungan ng dalawang institusyon. Pagkatapos nito ay bumuo ng isang Memorandum of Understanding na siyang pinagtibay sa pirmahang isinagawa.